Home » Archives » 07. September 2008
"It's like a picture of a loved one in disguise,
or it's like finding something pretty in a jar of lies
and if you want just hide your eyes behind your hair.
but you can't see me then you can't find me anywhere."

-Please Please Please
-SHOUT OUT LOUDS

Sunday Morning…

September 7, 2008

Sunday. Wala naman pasok. Pero meron, meron, MERON! Tangina kasi eh. Pumasok kami nung Tuesday, eh wala naman palang pasok nung araw na yun. Hindi pa kami pinauwi. Badtrip. So 6 days ang pasok this week. Tangina talaga. 1:44AM na. 16 minutes pa para mag-blog, para pumetiks, para mag internet, kahit bawal. Sabi ko nga, masarap ang bawal.

So… Tuesday to Sunday, may pasok. Monday off. Tuesday, may pasok ulit. Ayos diba? 1 day lang ang pahinga. Walang oras mag gala. Walang oras tumambay sa labas.

Ayan na at 7:27AM na. ilang oras na lang uwian na. Para makaiwas sa calls na pumapasok at maka pag update ng blog, every three minutes, kailangang pumitik. Isang teknik kung saan ang isang agent ay makakaiwas sa bawat tawag na papasok. Every three minutes, PITIK! Biglang bababa ang pangalan mo sa papasukan ng tawag at meron kang three minutes para makipag-kwentuhan sa katabi, para mag internet, at syempre, para makapag update ng blog mo. Pwede rin mag friendster. Kaso nga lang, sa sobrang liit ng windos mo [kailangan kasi sobrang liit para mabilis matago at hindi mahuli ng mga “Ermingard” o mga gwardya sibil na naglilibot sa floor at naninigudaro na nagttrabaho ng maayos ang mga agents]. At dahil nga sa sobrang liit ng windows mo, hindi na masaya ang mag friendster. Hehe. Ang iba nga, nagbubukas ng immem at meebo. Para nakakapag chat at nag soundtrip at the same time. Ayos diba?

Ayan na. Three minutes na nakalipas sa timer ko. Pipitik muna ako. =]

Posted by chiko at 1:13 am | permalink | comments[1]